Mabilis at malapit mag-withdraw sa Cash Agad ng BDO
May dumating na sweldo, remittance, o ayuda sa
iyong ATM Card? Mas madali, mabilis at malapit na lang mag-withdraw sa Cash
Agad, lalo na sa mga probinsiya o munisipalidad na walang bangko o malapit na
Automated Teller Machines (ATMs).
Ang Cash Agad ay tugon ng BDO para sa pagsulong
ng financial inclusion sa bansa. Ito ay isang banking solution kung saan ay
maaaring mag-withdraw ng cash o mag-balance inquiry via point-of-sale (POS)
machines ang kahit sinumang may locally-issued debit o prepaid card. Ang mga
POS machines na ito ay matatagpuan sa mga Cash Agad partner agents na micro,
small, and medium enterprises (MSMEs) tulad ng sari-sari stores, bakeries,
groceries, hardware stores at iba pang establishments na matatagpuan sa
komunidad.
Sa pamamagitan ng Cash Agad, hindi na kailangang
bumiyahe pa nang malayo o gumastos nang malaki para sa pamasahe ang mga
cardholder para lang makapag-withdraw ng kailangan nilang pera.
Sa ngayon, mayroon nang over 9,500 partner agents
and Cash Agad sa mahigit 1,400 municipalities nationwide. Bukod sa pagbibigay
ng serbisyo sa mga cardholders sa komunidad, natutulungan din ng Cash Agad ang
mga MSMEs na magkaroon ng extra income.
Para sa mga business owners na gusto maging Cash
Agad partner agent, kailangan lamang ay may BDO or BDO Network Bank account at
business permit. Maaaring i-submit ang application sa https://www.bdo.com.ph/cash-agad-application.
Napakadali lang mag-transact sa Cash Agad:
- Pumunta lang sa malapit na Cash Agad partner agent. Hanapin lang ang Cash Agad logo.
- Sabihin sa cashier ang amount na gusto mong i-withdraw at ipasok ang locally-issued ATM debit or prepaid card sa POS terminal na iaabot ng cashier.
- I-input ang iyong PIN sa POS terminal.
- Kunin ang iyong card, cash, at transaction receipt.
- May babayaran lamang na convenience fee na P15 to P50 bawat transaction.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa Cash
Agad, go to https://www.bdo.com.ph/cash-agad.
Post a Comment