Featured

Estranghero

Nagtext sya, sabi nya:
"Mahal kita."
Pero bakit ganun, sabi ko:
"Nasaan ka na?"

Ang ating nasimulan
Bakit tila biglang nawala?
Sayang pinapangarap
Naglahong parang bula

Akala ko ba handa ka na
Sa aki'y iyong ipararamdam
Ang pag ibig mong taglay
Na bukod tanging kong inaasam

Sa lugar na dapat nating tagpuan
Ako'y nagtungo pero walang dinatnan
Luha'y pumatak ng iyong talikuran
Ang isang pangakong iyong nabitiwan

Nasaan ka, mahal ko?
Natatandaan mo pa ba kung ano tayo?
Ang pag-ibig na pagsasaluhan
Isa na bang pait ng nakaraan?



No comments